Tips para makatipid
at makaipon ang mga estudyante
Mga dapat gawin:
* Mag-budget. Wais na
pagba-budget ang numero unong dapat gawin upang makapagtipid. Ang paglilista ng
gagastusin sa loob ng isang linggo ay makatutulong nang malaki para ma-monitor
nang maigi ang pera.
* Alamin ang
prayoridad. Dapat ang bibilhin ay kailangan at hindi basta gusto lang.
Mahahalagang gamit pang-eskwela lamang ang bilihin hangga't maaari.
* Mag-alkansya. Kung ang baon
mo ay P100 sa isang araw, maghulog ka agad ng 20 sa alkansya. Sa ganitong
paraan, makokontrol mo ang gagastusin mo sa maghapon habang nakaka-ipon ka.
Kung P50 itabi na ang P5 o P1 – kahit ano pa ang halaga ng maitatabi malaking
bagay iyan para matutong magtiis.
* Humingi ng student
discounts. Maging sa pamasahe o ibang bilihin, ugaliing humingi ng discount.
Maliit na halaga man ang naibabawas, malaki rin ito kung maiipon.
* Magbenta ng mga bagay
na hindi na ginagamit. Hindi masama kung
ipagbibili na ang ilang kagamitan lalo na kung hindi na ito kapaki-pakinabang
para sa iyo, sa halip ay makakatulong pa ito para magkaroon ka ng pandagdag sa
baon mo.
* Ikumpara ang mga bagay
na bibilhin. Hangga’t maaari doon ka sa mura pero may kalidad para masulit mo
ito. Mainam kung ikukumpara muna ang isang bagay sa isa pa upang malaman kung
ano ang kaya ng budget mo.
* Maghanap ng
part-time job. Makakatulong para makapag-ipon. Siguraduhin lamang na hindi ito
makakaapekto sa pag-aaral.
* Umiwas sa mga
gala/lakad. Hindi masama ang paggala. Ngunit makatutulong sa pagtitipid kung
lilimitahan ito, at mas mabuti kung huwag na lamang kung hindi naman kailangan.
* Bawasan ang utang. Hindi
maiiwasan ang panghihiram o pangungutang ng pera. Pero hangga't maaari, ay
iwasan ito para makabawas sa dagdag bayarin. Iwasan din ang magpautang.
Mga hindi dapat
gawin:
* Humingi ng weekly
allowance. Hindi advisable ang paghingi ng weekly allowance lalo na kung
magastos ka. Maaaring kapusin ka sa pera at hindi na umabot ang pera sa loob
isang linggo.
* Impulse buying. Ang pagbili nang
wala sa plano ay maaaring mauwi sa madaliang pagkaubos ng pera. Maiging iplano
o gawan ng listahan ang mga bibilhin.
*Pagpunta sa gym. "In"
ito sa mga kabataan ngunit gastos lang. Mabuting mag-jog na lang sa inyong
subdivision o magsagawa ng ibang outdoor activities kasama ang mga kaibigan
para tipid.
*Shopping linggo-linggo. Hindi
praktikal kung lingguhang gagawin ang pagsa-shopping lalo pa kung walang
part-time job o anumang extra source of income.
* Mag-grocery kapag gutom. Gutom lang
kailangan nang mag-grocery!? Hindi makabubuti kung mag-go-grocery kung
gutom dahil magagawa mong kumuha nang kumuha ng mga pagkain dala ng iyong
pagkagutom, pero sa huli ay hindi mo naman mauubos.
*Kumain sa fast food
chains. Limitahan ang pagkain sa mga food chains, sa halip ay magluto o sa bahay
na lamang kumain. Mas masarap na, wala pang bayad.
Hindi pagiging
kuripot ang pagtitipid, sa halip ito ay pagiging praktikal. Matalinong paghawak
sa pera ang kailangan para sa huli magaan ang buhay.
Isipin mo na lang:
kung ganitong estudyante ka pa lang ay hindi na marunong magtipid at mag-impok
paano na lang kung naghahanapbuhay ka na?
No comments:
Post a Comment