Saturday, February 25, 2017

Ano ba ang Negosyo O Pagnenegosyo ?

 
 
       
Image result for ano ang negosyo

Ang Pagnenegosyo ay isang organisasyon kaugnay ng pakikipagpalitan ng produkto at serbisyo sa mga consumers.
 
Ang pagnenegosyo ang pangunahing pinanggagalingan ng kita ng mga mamamayan na kung saan halos lahat ng mga negosyo ay pagmamay-ari ng pribadong sector.
 
 
Mayroong dalawang klase ng Pagnenegosyo:
 Una ay ang pagnenegosyo dahil sa kapakinabangan kung saan nagnenegosyo sila upang kumita,  at ang pangalawa naman ay ang pagnenegosyong hindi dahil sa pakinabang.
Maaring ang dahilan ay makatulong o maari din upang hindi magbayad ng tax.
 Halimbawa nito ay ang Red Cross.

Ang mga karaniwang anyo ng pagnenegosyo ay ang mga sumusunod:

1. Sole Proprietorship – Ang negosyo ay pagmamay-ari lamang ng iisang tao. e.g. personal blog.

2. Partnership – Ang negosyo ay pagmamay-ari ng dalawa o higit pang katao na pantay pantay ang karapatan at responsibilidad.

3. Korporasyon – Ang negosyo ay pagmamay-ari ng dalawa o higit pang katao ngunit hindi pantay pantay ang karapatan at responsibilidad.

Mayroong pwedeng magdesisyon at mayroong hindi maaring magbigay ng desisyon na miyembro.

4. Kooperatiba- Ang negosyong ito ay naiba sa korporasyon sa pamamagitan ng karapatang magdesisyon lahat ng miyembro.

Para na mas maragdagan pa ang kaalaman tungkol sa Pagnenegosyo e.click lang ang Link na ito  https://www.facebook.com/gonegosyo.ph/posts/763290690365501

No comments:

Post a Comment