Friday, March 3, 2017

PAGPAPLANO NG NEGOSYO

 
Image result for kahalagahan ng negosyo
 
 
Ang susunod mong dapat gawin ay ang detalyadong pagpaplano sa negosyo. Ang tawag sa prosesong ito ay business planning. Walang plano sa negosyo o business plan na angkop sa lahat sa sitwasyon. Kaya kailangang isulat mo ang iyong sariling plano ayon sa mga particular na kalagayan o katangian ng papasukin mong negosyo.
May tatlong parte ang business plan: 1) Ang pagpaplano kung paano ibebenta ang produkto (marketing plan), 2) ang pagpaplano kung paano gagawin ang produkto at kung paanong o-organisahin ang mga tauhan (technical and organizational plan), 3) ang pagpaplano sa pananalapi at puhunan (financial plan).
Paano mo susulatin ang business plan?
PANIMULA
1.      Ito ang unang bahagi ng business plan. Banggitin mo rito kung sino ka, ano ang mga layunin ng iyong negosyo, at kung kailan mo inaasahang makamit ang mga ito.
2.      Banggitin mo tin kung paano mo naisip ang negosyong ito at kung paano mo ito inaasahang lalago.
PLANO KUNG PAANO IBEBENTA ANG PRODUKTO (MARKETING PLAN)
3.      Magbigay ka ng detalyadong paliwanag kung ano ang produkto o serbisyong iyong iaalok, at kung ano ang mga kabutihan at paggagamitan nito.
Ang parting ito ng business plan ang magpapakita ng kalamangan ng iyong produkto na maaring maging kakumpetensiya. Banggitin mo rin ang mga kabutihan at kahinaan ng iyong produkto.
4.      Ipaliwanag mo kung sino ang posibleng bibili sa produkto mo. Gaano sila karami? Magbebenta ka bas a mga grocery store? Sa mga maliliit na ladies boutique? Mga tindahan ng libro? Kung ibebenta mo sa publico, kakailanganin mong igrupo ang potensiyal na mamimili ayon sa edad, kasarian, edukasyon, laki ng kita, at iba pang mga katangian. Suriin kung paano makatutulong ang mga impormasyong makakalap mo tungkol sa kanila. Halimbawa, kung ang potensyal na bibili ay mga bata na may edad na tatlo hanggang sampu, saan kaya dapat itayo ang negosyo? Anong klasenge promotion o advertising ang gagamitin mo? Magkano kaya ang presyo?
5.      Tukuyin mo kung sino ang mga kakaumpetensiya mo. Huwag kang matakot na mayroon kang kakumpetensyiya. Sa halip, ito ang dapat magtulak sa iyo upang pagbutihin pang lalo ang iyong produkto at negosyo. Kailangan mo lang pag-aralan nang mabuti ang iyong mga kakumpitensya.
Tungkol sa mga kakumpetensiya mo banggitin mo ang mga sumusunod:
a. Anong klaseng negosyo ang posibleng maging kakumpitensya mo? Sino sila?
b. Ano ang kakayahan ng iyong mga kakumpetensiya? Ano ang kanilang assets o ari-   arian? Gaano kalaki  ang kanilang naibebenta?
c. Sino sa mga kakumpetensiya mo ang kumikita? Magkano ang kinikita? Sino ang nalulugi? Magkano ang nalulugi?
 d.Ano ang ginagamit nilang istratehiya tungkol sa pagpepresyo, kalidad ng produkto o serbisyo, warranty na ibinibigayt sa mamimili, klase ng packaging, pmamaraan ng pagbebenta at kung paano ipinararating ang produkto sa bentahan, pag-advertise sa kanilang produkto, kondisyon sa pagpapautang, reputasyon ng kanilang negosyo, dami ng reserba o inventory?
             Medyo marami ito, ngunit sa bahaging ito ng business plan, isama lamang ang impormasyong may kinalaman sa iyong negosyo.
 6.      Isaad mo kung magkano ang magiging presyo ng iyong produkto. Sa pagpepresyo, kailangang isama mo sa kwentahan ang gastos sa paggawa ng produkto at sa distribusyon nito. Dapat mong timbangin ang presyong abot kaya ng nakararami, at ang halagang makapagbibigay rin ng pinamalaking kita sa iyo.
7.      Ipaliwanag mo kung paano mo ibebenta ang produkto. Hindi sapat na maitakda mo ang tamang presyo para sa isang magandang produkto. Kailangan mo ring planuhin ang mga sumusunod:
a.Paano mo ipo-promote o ia-advertise ang iyong produkto?
b. Sa iyong pagbebenta, gagamit ka ba ng ahente? Magkakaroon ka ba ng sariling outlet? Kukuha ka ban g mga magbebenta?
c. Paano ang distribusiyon ng produkto mo upang makarating ito sa mga bibili?
d. Ano ang opinion ng mga customer sa iyong produkto? Paano mong mapagaganda ang imahe ng iyong produkto?
 ANG PLANONG PANGTEKNIKAL O PANGPRODUKSYON AT PLANONG PANG-ORGANISASYON (TECHNICAL AND ORGANIZATIONAL PLAN)
 8.      Alamin ang mga materyales na kakailanganin at ang mga mapagkukuhanan nito. Mga materyales lamang na may kinalman sa produkto an gdapat isama rito. Ang mga iba pang kagamitan tuland ng mga gamit pang-opisina ay hindi na dapat isama. Isa-isahin mo ang mga materyales na ito. Sa bawat isa, tukuyin kung ilan at sino ang iyong supplier, at bakit ito ang napili mo.
9.      Alamin ang proseso at mga kagamitan o equipment na kakailanganin sa paggawa ng iyong produkto. Isa-isahin ang proseso. Banggitin ang sunod-sunod na hakbang. Ipaliwanag ang bawat hakbang, pati na ang kagamitan at materyales na gagamitin. Kung masalimuot ang proseso ng paggawa, gumuhit ng diagram o pasasalarawan sa bawat hakbang ng proseso.
10.  Alamin kung sino ang mga tauhan s aiyong negosyo. Dapat mong matukoy ang mga ito. Kabilang ka na rito bilang may-ari at tagapamahala. Kung ang negosyong itinatag ay isang korporasyon, ilista ang lahat ng pangalan at tirahan ng bawat miyembro ng board of directors. Kung ang negosyo mo ay isang partnership, ilista ang pangalan at tirahan ng bawat kasosyo o partner.
11.  Alamin ang mga kailangang  manggagawa at empleyado. Alamin ang mga kakayahan at posisyon na nararapat upang mapalakad nang maayos ang negosyo. Isa-isahin ang mga posisyon. Sa bawat isa, tukuyin kung ilan an giyong kailangan at kung ano ang angkop na sahod at benepisyo.
 ANG PLANO SA PANANALAPI ( FINANCIAL PLAN)
12.  Alamin ang pangangailangan mo sa pananalapi. Gaano kalaking puhunan ang kailangan mo upang masimulan ang iyong negosyo? Gumawa ng estimate o forecast nito. Hatiin ito sa tatlo: ang permanenteng puhunan (fixed capital), ang puhunan para sa aktwal na operasyon (working capital), at ang puhunan o pananalapng kakailanganin bago pa man magsimula ang negosyo (pre –operating capital).
Ang permanenting puhunan o fixed capital ay karaniwang inilalagak nang minsanan lamang para sa mga gagamitin sa negosyo nang pangmatagalan. Kasama rito ang lupa at building, gastos sa pagpapatayo o pagpapaayos ng building, mga makina at equipment, at mga appliances at furniture.
 Ang puhunan para sa aktwal na operasyon ng negosyo o working capital ay para sa pang araw-araw na pagpapatakbo ng iyong negosyo. Kailangan mo ito pambili ng materyales, pampasahod ng mga manggagawa at empleyado, at pambayad ng elektrisidad, tubig, telepono, at transportasyon. Gumawa ng estimate ng working capital para sa anim na buwang operasyon o higit pa. Sa madaling salita, maglaan ka ng working capital hanggang sa magsimula nang kumita ang iyong negosyo at kaya nang tumakbo sa sariling kita.
 Ang pre-operating capital naman ay puhunang kailangan bago pa naman ay puhunang kailangan bago pa man magsimula ang iyong negosyo. Isama rito ang mga gastusin sa pagrerehistro ng iyong negosyo at pagkuha ng mga permit o lisensyang kailangan. Kung nagpatulong ka sa abogado o accountant sa pagpapatayo ng negosyo, isama rin ang professional fees nila.
 13.  Gumawa ng budget. Hatiin ang budget sa tatlo: budget sa pagbebenta (marketing), sa paggawa ng produkto (production), at sa pangakalahatang pamamalakad (general / administrative expenses.)
 Isama sa marketing budget ang panggastos sa pagbebenta, distribusyon, at pag-iimbak (storage); mga diskuwento na maaaring ibigay sa mga mamimili; at promotion at advertisement ng iyong produkto.
 Sa producton budget, isali ang pambili ng mga materyales at components ng produkto at pasahod sa mga manggagawa at kaukulang benepisyo. Isama rin dito ang manufacturing overhead costs. – mga gastusin sa pagmamantinang mga makina at equipment, pasahod sa mga production supervisor at foreman, at ang konsumo sa tubig at kuryente, gas at iba pang panggatong (fuel) na gamit sa production.
Ang general / administrative expenses ay mga gastos na may kinalaman sa administrashon o pamamahala, pasahod sa mga kawani ng opisina, pambayad sa mga legal na pangangailangan at accounting. Ang paghahanda at pagtantiya sa mga tinatayang gastusin ay dapat gawin kada buwan sa unang taon ng operasyon ng negosyo, at kada tatlong buwan naman sa ikalawa at ikatlong taon.
Ipalagay natin na sa puntong ito ay nagawa mo na ang lahat ng mga nabanggit. Handa ka na ngayon na ipatupad ang iyong mga piano. Oras na upang lumikom ng puhunan, i-rehistro ang negosyo, humanap ng tamang lugar o puwesto, bumili ng mga kagamitan at supplies, manguha at magsanay ng mga tauhan, at simulan ang operasyon. Sa puntong ito, lahat ng isinulat mo sa piano ay kailangan nang maipatupad.
Dapat mo ring tandaan na ang piano ay isang gabay lamang. Hindi ito permanente. Dapat maging bukas ang iyong isipan sa iba pang mga pamamaraan at alternatibo kung sakaling may mangyari bukas o makalawa na di mo inaasahan. Sa madaling salita, humanda kang lumihis sa piano kung kinakailangan.
 
 

No comments:

Post a Comment