Sa pagnenegosyo, kailangang pag isipan ng maigi ang mga dapat isaalang-alang na elemento. Malaki ang maitutulong kung pagpaplanuhan ito, malaki man o maliit na negosyo. Minsan may mga maririnig tayong mga sabi-sabi ukol sa pagnenegosyo na maaari ring dahilan para makabuo, sa kapit-bahay at sa radyo man. Anu-anu ba ang mga importanteng elemento?
Puhunan/Kapital
- Hindi kailangan ng malaking kapital ang pagnenegosyo, lahat naman ay nagsisimula sa maliit. Pwede ring ipuhunan ang laway if marunong kang mang ahente. Sa paraang ito, maaring ito na ang simula para makarating sa pinaplano mo. Hindi kailangang manghihiram ng pera para lang may capital kung marunong ka lang dumiskarte sa buhay.
Kakayahan/Skill/Talento
-Pag isipan mo kung ano ang pwedeng magawa mo sa buhay kahit simple lang tulad ng pagugupit ng buhok, pagmamaneho, pagpidicure o kahit makapagbibigay ng kasiyahan sa mga tao. Pag-isipan mo na ngayon, wag mo nang palampasan ang oportunidad.
Lokasyon/Tirahan
-Nasa lokasyon ka ba na maraming tao?, kailangan ba ng mga tao ang iyong negosyo?. Isipin mo nga maigi kung ano ang mga pangangailan ng mga tao, hindi dahil gusto mo ang klasi ng negosyong iyon ay pwede mo nang simulan. Isaalang-alang mo dapat ang mga taong nakapaligid sa'yo. Ano ba ang wala sa lugar mo?
No comments:
Post a Comment