Ito'y kunting ideya na nais ibahagi
sa isang matagumpay na negosyante
kung paano magsimula ng negosyo.
Paano magsimula ng negosyo?
Masarap ang magtatag ng isang negosyo. Higit na mas maganda kaysa trabaho sapagkat sa negosyo ay may kakayanan kang madoble o higit pa ang kikitain mo ngunit tandaan natin na ang pagnenegosyo ay isang obligasyon na higit pa sa trabaho. May mga tips ako para madagdagan ang inyong kaalaman sa pagnenegosyo.
Kung ikaw ay wala pang negosyo at nagpa-plano ka pa lamang, mainam na tandaan ang mga sumusunod:
1. Dapat ito ay sang-ayon sa iyong hilig - mas madali kasi ang pagpapatakbo ng isang negosyo kung mismomg ikaw ay masaya sa ginagawa mo.
Halimbawa:
Ang hilig mo ay pagdo-drawing. higit na bagay sayo ang pag-gawa ng mga "signage" at "printing" o kung ikaw ay mahilig magluto syempre pwede kang magtayo ng isang maliit na karinderya o mag lako ka kung may mga "factory" diyan sa lugar nyo.
Bagong kaalaman:
Sa pagpaplanong ito, dito ipanapakita na dapat alamin muna
ang iyong hilig bago pumasok sa negosyo .Hindi dapat magpadalos-dalos sa pinapasukang negosyo sapagkat kung walang sapat na kaalaman maaaring ikalulugi o maloko ka lang sa iba.
2. Sino ang mangangailangan ng iyong produkto - mainam na alamin mo'ng mabuti kung sino-sino ba ang mangangailangan sa iyong produkto o serbisyo sapagkat sila ang iyong magiging pangunahing "costumer" nito.
Bagong kaalaman:
Sa pagpaplanog ito, dito ipinapakita na bago magsimula sa negosyo dapat ang mga serbisyo o produkto ay naayon sa hilig ng mga tao, kabilang na ang kanilang pangangailan maging personal man o higit pa.
3. Alamin ang merkado-mainam na alamin mo din ang merkado ng iyong produkto sapagkat dito magbabase ang iyong mga kostumer kung mahal o tama lang ba ang iyong presyo. Tandaan!wag magpresyo ng sobrang baba dahil baka ikaw ay malugi at wag din naman mag-presyo ng sobrang mahal baka naman wala ng magpagawa sayo.
Bagong kaalaman:
Sa pagpaplanong ito dito ipinapkita na kung gaano ka katapat sa iyong negosyo at sa magiging "customer" mo sapagkat ito"y nangangailangan ng tamang pwesto at presyo base sa produkto o serbisyong ipamalas at ito ba'y nasa "SRP o Suggested Retail Price"
4.Patuloy na tumuklas- wag magsasawang tumuklas ng mga bagong kaalaman at kasanayan upang higit pang mapaganda ang iyong serbisyo o produkto. Ganun din ang gawin sa pagbili ng mga materyales, tuklasin kung saan makakabili ng murang materyales o kung papaano makakabili ng murang materyales.
Bagong kaalaman:
Sa pagpaplanong ito, dito ipinapkita na dapat ikaw ay maging mapagmasid at "innovative" sa iyong produkto ayon sa mga materyales hindi lamang ang presyo ngunit pati nari ang katibayan nito.
5.Pahalagahan ang mga kostumer- tandaan natin na kaya tayo nakatayo ay dahil sa mga taong tumatangkilik ng ating negosyo. Kaya marapat lang na ibigay natin ang atensyon para sa ating mga kostumer.
Bagong kaalaman:
Sagpaplanong ito,dito ipinapakita na dapat hindi lamang makuha natin ang atensyon na mga mamimili ngunit pati narin ang ating atensyon ay maibibigay rin sa kanila upang magkakaroon ng pangmatagalang relasyon o "long term relationship" sa "customer."
6. Kasanayan sa pagpapatakbo ng budget- kinakailangan na may kaalaaman ka sa pagpapatakbo ng iyong pananalapi sapagkat dito nakasalalay ang pag-ikot at paglago ng iyong negosyo.
Referencehttp://string-attach.blogspot.com