Friday, March 3, 2017

PAGPAPLANO NG NEGOSYO

 
Image result for kahalagahan ng negosyo
 
 
Ang susunod mong dapat gawin ay ang detalyadong pagpaplano sa negosyo. Ang tawag sa prosesong ito ay business planning. Walang plano sa negosyo o business plan na angkop sa lahat sa sitwasyon. Kaya kailangang isulat mo ang iyong sariling plano ayon sa mga particular na kalagayan o katangian ng papasukin mong negosyo.
May tatlong parte ang business plan: 1) Ang pagpaplano kung paano ibebenta ang produkto (marketing plan), 2) ang pagpaplano kung paano gagawin ang produkto at kung paanong o-organisahin ang mga tauhan (technical and organizational plan), 3) ang pagpaplano sa pananalapi at puhunan (financial plan).
Paano mo susulatin ang business plan?
PANIMULA
1.      Ito ang unang bahagi ng business plan. Banggitin mo rito kung sino ka, ano ang mga layunin ng iyong negosyo, at kung kailan mo inaasahang makamit ang mga ito.
2.      Banggitin mo tin kung paano mo naisip ang negosyong ito at kung paano mo ito inaasahang lalago.
PLANO KUNG PAANO IBEBENTA ANG PRODUKTO (MARKETING PLAN)
3.      Magbigay ka ng detalyadong paliwanag kung ano ang produkto o serbisyong iyong iaalok, at kung ano ang mga kabutihan at paggagamitan nito.
Ang parting ito ng business plan ang magpapakita ng kalamangan ng iyong produkto na maaring maging kakumpetensiya. Banggitin mo rin ang mga kabutihan at kahinaan ng iyong produkto.
4.      Ipaliwanag mo kung sino ang posibleng bibili sa produkto mo. Gaano sila karami? Magbebenta ka bas a mga grocery store? Sa mga maliliit na ladies boutique? Mga tindahan ng libro? Kung ibebenta mo sa publico, kakailanganin mong igrupo ang potensiyal na mamimili ayon sa edad, kasarian, edukasyon, laki ng kita, at iba pang mga katangian. Suriin kung paano makatutulong ang mga impormasyong makakalap mo tungkol sa kanila. Halimbawa, kung ang potensyal na bibili ay mga bata na may edad na tatlo hanggang sampu, saan kaya dapat itayo ang negosyo? Anong klasenge promotion o advertising ang gagamitin mo? Magkano kaya ang presyo?
5.      Tukuyin mo kung sino ang mga kakaumpetensiya mo. Huwag kang matakot na mayroon kang kakumpetensyiya. Sa halip, ito ang dapat magtulak sa iyo upang pagbutihin pang lalo ang iyong produkto at negosyo. Kailangan mo lang pag-aralan nang mabuti ang iyong mga kakumpitensya.
Tungkol sa mga kakumpetensiya mo banggitin mo ang mga sumusunod:
a. Anong klaseng negosyo ang posibleng maging kakumpitensya mo? Sino sila?
b. Ano ang kakayahan ng iyong mga kakumpetensiya? Ano ang kanilang assets o ari-   arian? Gaano kalaki  ang kanilang naibebenta?
c. Sino sa mga kakumpetensiya mo ang kumikita? Magkano ang kinikita? Sino ang nalulugi? Magkano ang nalulugi?
 d.Ano ang ginagamit nilang istratehiya tungkol sa pagpepresyo, kalidad ng produkto o serbisyo, warranty na ibinibigayt sa mamimili, klase ng packaging, pmamaraan ng pagbebenta at kung paano ipinararating ang produkto sa bentahan, pag-advertise sa kanilang produkto, kondisyon sa pagpapautang, reputasyon ng kanilang negosyo, dami ng reserba o inventory?
             Medyo marami ito, ngunit sa bahaging ito ng business plan, isama lamang ang impormasyong may kinalaman sa iyong negosyo.
 6.      Isaad mo kung magkano ang magiging presyo ng iyong produkto. Sa pagpepresyo, kailangang isama mo sa kwentahan ang gastos sa paggawa ng produkto at sa distribusyon nito. Dapat mong timbangin ang presyong abot kaya ng nakararami, at ang halagang makapagbibigay rin ng pinamalaking kita sa iyo.
7.      Ipaliwanag mo kung paano mo ibebenta ang produkto. Hindi sapat na maitakda mo ang tamang presyo para sa isang magandang produkto. Kailangan mo ring planuhin ang mga sumusunod:
a.Paano mo ipo-promote o ia-advertise ang iyong produkto?
b. Sa iyong pagbebenta, gagamit ka ba ng ahente? Magkakaroon ka ba ng sariling outlet? Kukuha ka ban g mga magbebenta?
c. Paano ang distribusiyon ng produkto mo upang makarating ito sa mga bibili?
d. Ano ang opinion ng mga customer sa iyong produkto? Paano mong mapagaganda ang imahe ng iyong produkto?
 ANG PLANONG PANGTEKNIKAL O PANGPRODUKSYON AT PLANONG PANG-ORGANISASYON (TECHNICAL AND ORGANIZATIONAL PLAN)
 8.      Alamin ang mga materyales na kakailanganin at ang mga mapagkukuhanan nito. Mga materyales lamang na may kinalman sa produkto an gdapat isama rito. Ang mga iba pang kagamitan tuland ng mga gamit pang-opisina ay hindi na dapat isama. Isa-isahin mo ang mga materyales na ito. Sa bawat isa, tukuyin kung ilan at sino ang iyong supplier, at bakit ito ang napili mo.
9.      Alamin ang proseso at mga kagamitan o equipment na kakailanganin sa paggawa ng iyong produkto. Isa-isahin ang proseso. Banggitin ang sunod-sunod na hakbang. Ipaliwanag ang bawat hakbang, pati na ang kagamitan at materyales na gagamitin. Kung masalimuot ang proseso ng paggawa, gumuhit ng diagram o pasasalarawan sa bawat hakbang ng proseso.
10.  Alamin kung sino ang mga tauhan s aiyong negosyo. Dapat mong matukoy ang mga ito. Kabilang ka na rito bilang may-ari at tagapamahala. Kung ang negosyong itinatag ay isang korporasyon, ilista ang lahat ng pangalan at tirahan ng bawat miyembro ng board of directors. Kung ang negosyo mo ay isang partnership, ilista ang pangalan at tirahan ng bawat kasosyo o partner.
11.  Alamin ang mga kailangang  manggagawa at empleyado. Alamin ang mga kakayahan at posisyon na nararapat upang mapalakad nang maayos ang negosyo. Isa-isahin ang mga posisyon. Sa bawat isa, tukuyin kung ilan an giyong kailangan at kung ano ang angkop na sahod at benepisyo.
 ANG PLANO SA PANANALAPI ( FINANCIAL PLAN)
12.  Alamin ang pangangailangan mo sa pananalapi. Gaano kalaking puhunan ang kailangan mo upang masimulan ang iyong negosyo? Gumawa ng estimate o forecast nito. Hatiin ito sa tatlo: ang permanenteng puhunan (fixed capital), ang puhunan para sa aktwal na operasyon (working capital), at ang puhunan o pananalapng kakailanganin bago pa man magsimula ang negosyo (pre –operating capital).
Ang permanenting puhunan o fixed capital ay karaniwang inilalagak nang minsanan lamang para sa mga gagamitin sa negosyo nang pangmatagalan. Kasama rito ang lupa at building, gastos sa pagpapatayo o pagpapaayos ng building, mga makina at equipment, at mga appliances at furniture.
 Ang puhunan para sa aktwal na operasyon ng negosyo o working capital ay para sa pang araw-araw na pagpapatakbo ng iyong negosyo. Kailangan mo ito pambili ng materyales, pampasahod ng mga manggagawa at empleyado, at pambayad ng elektrisidad, tubig, telepono, at transportasyon. Gumawa ng estimate ng working capital para sa anim na buwang operasyon o higit pa. Sa madaling salita, maglaan ka ng working capital hanggang sa magsimula nang kumita ang iyong negosyo at kaya nang tumakbo sa sariling kita.
 Ang pre-operating capital naman ay puhunang kailangan bago pa naman ay puhunang kailangan bago pa man magsimula ang iyong negosyo. Isama rito ang mga gastusin sa pagrerehistro ng iyong negosyo at pagkuha ng mga permit o lisensyang kailangan. Kung nagpatulong ka sa abogado o accountant sa pagpapatayo ng negosyo, isama rin ang professional fees nila.
 13.  Gumawa ng budget. Hatiin ang budget sa tatlo: budget sa pagbebenta (marketing), sa paggawa ng produkto (production), at sa pangakalahatang pamamalakad (general / administrative expenses.)
 Isama sa marketing budget ang panggastos sa pagbebenta, distribusyon, at pag-iimbak (storage); mga diskuwento na maaaring ibigay sa mga mamimili; at promotion at advertisement ng iyong produkto.
 Sa producton budget, isali ang pambili ng mga materyales at components ng produkto at pasahod sa mga manggagawa at kaukulang benepisyo. Isama rin dito ang manufacturing overhead costs. – mga gastusin sa pagmamantinang mga makina at equipment, pasahod sa mga production supervisor at foreman, at ang konsumo sa tubig at kuryente, gas at iba pang panggatong (fuel) na gamit sa production.
Ang general / administrative expenses ay mga gastos na may kinalaman sa administrashon o pamamahala, pasahod sa mga kawani ng opisina, pambayad sa mga legal na pangangailangan at accounting. Ang paghahanda at pagtantiya sa mga tinatayang gastusin ay dapat gawin kada buwan sa unang taon ng operasyon ng negosyo, at kada tatlong buwan naman sa ikalawa at ikatlong taon.
Ipalagay natin na sa puntong ito ay nagawa mo na ang lahat ng mga nabanggit. Handa ka na ngayon na ipatupad ang iyong mga piano. Oras na upang lumikom ng puhunan, i-rehistro ang negosyo, humanap ng tamang lugar o puwesto, bumili ng mga kagamitan at supplies, manguha at magsanay ng mga tauhan, at simulan ang operasyon. Sa puntong ito, lahat ng isinulat mo sa piano ay kailangan nang maipatupad.
Dapat mo ring tandaan na ang piano ay isang gabay lamang. Hindi ito permanente. Dapat maging bukas ang iyong isipan sa iba pang mga pamamaraan at alternatibo kung sakaling may mangyari bukas o makalawa na di mo inaasahan. Sa madaling salita, humanda kang lumihis sa piano kung kinakailangan.
 
 

Paano ba magtipid ang isang estudyante? #savepamore

Tips para makatipid at makaipon ang mga estudyante


Mga dapat gawin:
Mag-budget. Wais na pagba-budget ang numero unong dapat gawin upang makapagtipid. Ang paglilista ng gagastusin sa loob ng isang linggo ay makatutulong nang malaki para ma-monitor nang maigi ang pera.
* Alamin ang prayoridad. Dapat ang bibilhin ay kailangan at hindi basta gusto lang. Mahahalagang gamit pang-eskwela lamang ang bilihin hangga't maaari.
Mag-alkansya. Kung ang baon mo ay P100 sa isang araw, maghulog ka agad ng 20 sa alkansya. Sa ganitong paraan, makokontrol mo ang gagastusin mo sa maghapon habang nakaka-ipon ka. Kung P50 itabi na ang P5 o P1 – kahit ano pa ang halaga ng maitatabi malaking bagay iyan para matutong magtiis.
Humingi ng student discounts. Maging sa pamasahe o ibang bilihin, ugaliing humingi ng discount. Maliit na halaga man ang naibabawas, malaki rin ito kung maiipon.
Magbenta ng mga bagay na hindi na ginagamitHindi masama kung ipagbibili na ang ilang kagamitan lalo na kung hindi na ito kapaki-pakinabang para sa iyo, sa halip ay makakatulong pa ito para magkaroon ka ng pandagdag sa baon mo.
Ikumpara ang mga bagay na bibilhin. Hangga’t maaari doon ka sa mura pero may kalidad para masulit mo ito. Mainam kung ikukumpara muna ang isang bagay sa isa pa upang malaman kung ano ang kaya ng budget mo.
* Maghanap ng part-time job. Makakatulong para makapag-ipon. Siguraduhin lamang na hindi ito makakaapekto sa pag-aaral.
Umiwas sa mga gala/lakad. Hindi masama ang paggala. Ngunit makatutulong sa pagtitipid kung lilimitahan ito, at mas mabuti kung huwag na lamang kung hindi naman kailangan.
Bawasan ang utang. Hindi maiiwasan ang panghihiram o pangungutang ng pera. Pero hangga't maaari, ay iwasan ito para makabawas sa dagdag bayarin. Iwasan din ang magpautang.
Mga hindi dapat gawin:
Humingi ng weekly allowance. Hindi advisable ang paghingi ng weekly allowance lalo na kung magastos ka. Maaaring kapusin ka sa pera at hindi na umabot ang pera sa loob isang linggo.
* Impulse buying. Ang pagbili nang wala sa plano ay maaaring mauwi sa madaliang pagkaubos ng pera. Maiging iplano o gawan ng listahan ang mga bibilhin.
*Pagpunta sa gym. "In" ito sa mga kabataan ngunit gastos lang. Mabuting mag-jog na lang sa inyong subdivision o magsagawa ng ibang outdoor activities kasama ang mga kaibigan para tipid.
*Shopping linggo-linggo. Hindi praktikal kung lingguhang gagawin ang pagsa-shopping lalo pa kung walang part-time job o anumang extra source of income.
Mag-grocery kapag gutom. Gutom lang kailangan nang mag-grocery!? Hindi makabubuti kung mag-go-grocery kung gutom dahil magagawa mong kumuha nang kumuha ng mga pagkain dala ng iyong pagkagutom, pero sa huli ay hindi mo naman mauubos.
*Kumain sa fast food chains. Limitahan ang pagkain sa mga food chains, sa halip ay magluto o sa bahay na lamang kumain. Mas masarap na, wala pang bayad.
Hindi pagiging kuripot ang pagtitipid, sa halip ito ay pagiging praktikal. Matalinong paghawak sa pera ang kailangan para sa huli magaan ang buhay.
Isipin mo na lang: kung ganitong estudyante ka pa lang ay hindi na marunong magtipid at mag-impok paano na lang kung naghahanapbuhay ka na?


Saturday, February 25, 2017

Ano ba ang Negosyo O Pagnenegosyo ?

 
 
       
Image result for ano ang negosyo

Ang Pagnenegosyo ay isang organisasyon kaugnay ng pakikipagpalitan ng produkto at serbisyo sa mga consumers.
 
Ang pagnenegosyo ang pangunahing pinanggagalingan ng kita ng mga mamamayan na kung saan halos lahat ng mga negosyo ay pagmamay-ari ng pribadong sector.
 
 
Mayroong dalawang klase ng Pagnenegosyo:
 Una ay ang pagnenegosyo dahil sa kapakinabangan kung saan nagnenegosyo sila upang kumita,  at ang pangalawa naman ay ang pagnenegosyong hindi dahil sa pakinabang.
Maaring ang dahilan ay makatulong o maari din upang hindi magbayad ng tax.
 Halimbawa nito ay ang Red Cross.

Ang mga karaniwang anyo ng pagnenegosyo ay ang mga sumusunod:

1. Sole Proprietorship – Ang negosyo ay pagmamay-ari lamang ng iisang tao. e.g. personal blog.

2. Partnership – Ang negosyo ay pagmamay-ari ng dalawa o higit pang katao na pantay pantay ang karapatan at responsibilidad.

3. Korporasyon – Ang negosyo ay pagmamay-ari ng dalawa o higit pang katao ngunit hindi pantay pantay ang karapatan at responsibilidad.

Mayroong pwedeng magdesisyon at mayroong hindi maaring magbigay ng desisyon na miyembro.

4. Kooperatiba- Ang negosyong ito ay naiba sa korporasyon sa pamamagitan ng karapatang magdesisyon lahat ng miyembro.

Para na mas maragdagan pa ang kaalaman tungkol sa Pagnenegosyo e.click lang ang Link na ito  https://www.facebook.com/gonegosyo.ph/posts/763290690365501

Friday, February 24, 2017

NEGOSYO, ANU-ANO ANG ELEMENTO?

Image result for paano magsimula ng negosyo
Sa pagnenegosyo, kailangang pag isipan ng maigi ang mga dapat isaalang-alang na elemento. Malaki ang maitutulong kung pagpaplanuhan ito, malaki man o maliit na negosyo. Minsan may mga maririnig tayong mga sabi-sabi ukol sa pagnenegosyo na maaari ring dahilan para makabuo, sa kapit-bahay at sa radyo man. Anu-anu ba ang mga importanteng elemento?


Puhunan/Kapital
- Hindi kailangan ng malaking kapital ang pagnenegosyo, lahat naman ay nagsisimula sa maliit. Pwede ring ipuhunan ang laway if marunong kang mang ahente. Sa paraang ito, maaring ito na ang simula para makarating sa pinaplano mo. Hindi kailangang manghihiram ng pera para lang may capital kung marunong ka lang dumiskarte sa buhay.
Kakayahan/Skill/Talento
-Pag isipan mo kung ano ang pwedeng magawa mo sa buhay kahit simple lang tulad ng pagugupit ng buhok, pagmamaneho, pagpidicure o kahit makapagbibigay ng kasiyahan sa mga tao. Pag-isipan mo na ngayon, wag mo nang palampasan ang oportunidad.
Lokasyon/Tirahan
-Nasa lokasyon ka ba na maraming tao?, kailangan ba ng mga tao ang iyong negosyo?. Isipin mo nga maigi kung ano ang mga pangangailan ng mga tao, hindi dahil gusto mo ang klasi ng negosyong iyon ay pwede mo nang simulan. Isaalang-alang mo dapat ang mga taong nakapaligid sa'yo. Ano ba ang wala sa lugar mo?




PAANO MAGSIMULA NG NEGOSYO?






Ito'y kunting ideya na nais ibahagi

sa isang matagumpay na negosyante

 kung paano magsimula ng negosyo.

Paano magsimula ng negosyo?
  • Masarap ang magtatag ng isang negosyo. Higit na mas maganda kaysa trabaho sapagkat sa negosyo ay may kakayanan kang madoble o higit pa ang kikitain mo ngunit tandaan natin na ang pagnenegosyo ay isang obligasyon na higit pa sa trabaho. May mga tips ako para madagdagan ang inyong kaalaman sa pagnenegosyo.

Kung ikaw ay wala pang negosyo at nagpa-plano ka pa lamang, mainam na tandaan ang mga sumusunod:

1. Dapat ito ay sang-ayon sa iyong hilig - mas madali kasi ang pagpapatakbo ng isang negosyo kung mismomg ikaw ay masaya sa ginagawa mo.

Halimbawa:

              Ang hilig mo ay pagdo-drawing. higit na bagay sayo ang pag-gawa ng mga "signage" at "printing" o kung ikaw ay mahilig magluto syempre pwede kang magtayo ng isang maliit na karinderya o mag lako ka kung may mga "factory" diyan sa lugar nyo. 

 Bagong kaalaman:

             Sa pagpaplanong ito, dito ipanapakita na dapat  alamin muna ang iyong hilig bago  pumasok sa negosyo .Hindi dapat magpadalos-dalos sa pinapasukang negosyo sapagkat kung walang sapat na kaalaman  maaaring ikalulugi o maloko ka lang sa iba.

2. Sino ang mangangailangan ng iyong produkto -  mainam na alamin mo'ng mabuti kung sino-sino ba ang mangangailangan sa iyong produkto o serbisyo sapagkat sila ang iyong magiging pangunahing "costumer" nito.

Bagong kaalaman:

           Sa pagpaplanog ito, dito ipinapakita na bago magsimula sa negosyo dapat ang mga serbisyo o produkto ay naayon sa hilig ng mga tao, kabilang na ang kanilang pangangailan maging personal man o higit pa. 

            

3. Alamin ang merkado-mainam na alamin mo din ang merkado ng iyong produkto sapagkat dito magbabase ang iyong mga kostumer kung mahal o tama lang ba ang iyong presyo. Tandaan!wag  magpresyo ng sobrang baba dahil baka ikaw ay malugi at wag din naman mag-presyo ng sobrang mahal baka naman wala ng magpagawa sayo.

Bagong kaalaman: 

          Sa pagpaplanong ito dito ipinapkita na kung gaano ka katapat sa iyong negosyo at sa magiging "customer" mo sapagkat ito"y nangangailangan ng tamang pwesto at presyo base sa produkto o serbisyong  ipamalas  at ito ba'y nasa "SRP o Suggested Retail Price"

 4.Patuloy na tumuklas- wag magsasawang tumuklas ng mga bagong kaalaman at kasanayan upang higit pang mapaganda ang iyong serbisyo o produkto. Ganun din ang gawin sa pagbili ng mga materyales, tuklasin kung saan makakabili ng murang materyales o kung papaano makakabili ng murang materyales.

 Bagong kaalaman: 

          Sa pagpaplanong ito, dito ipinapkita na dapat ikaw ay  maging mapagmasid at "innovative" sa iyong produkto ayon sa mga materyales hindi lamang ang presyo ngunit pati nari ang katibayan nito.

5.Pahalagahan ang mga kostumer- tandaan natin na kaya tayo nakatayo ay dahil sa mga taong tumatangkilik ng ating negosyo. Kaya marapat lang na ibigay natin ang atensyon para sa ating mga kostumer.

  Bagong kaalaman: 

           Sagpaplanong ito,dito ipinapakita na dapat hindi lamang makuha natin ang atensyon na mga mamimili ngunit pati narin ang ating atensyon ay maibibigay rin sa kanila upang magkakaroon ng pangmatagalang relasyon o "long term relationship" sa "customer."

6. Kasanayan sa pagpapatakbo ng budget-  kinakailangan na may kaalaaman ka sa pagpapatakbo ng iyong pananalapi sapagkat dito nakasalalay ang pag-ikot at paglago ng iyong negosyo.


Referencehttp://string-attach.blogspot.com